Nasa mahigit 150 flights sa Hong Kong ang kanseldo habang nasa mahigit 200 naman ang delayed dahil sa paghagupit ng bagyong Nida.
Maliban dito, paralisado din ang operasyon ng mga tren at ferries sa Hong Kong.
Libu-libo namang manggagawa ng mga tunnel at tulay maging ang mga nakatira malapit sa mga daluyang tubig ay pinalikas na ng mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.
Sinasabing ang bagyong Nida ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Hong Kong simula noong 1983.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP