Aabot sa 368,160 hindi sertipikadong produkto ang sinira ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Isabela.
Isinagawa ang pagsira sa Barangay Alibago.
Nilalaman ang mga sinira ng; iba’t ibang produkto tulad ng rice cooker, lighter, gas stove, motorcycle rubber tire tubes at iba pa.
Ayon kay Elmer Agorto, Consumer Protection Division Chief ng DTI Isabela, lumabag sa RA 7394 o Consumer Act of the Philippines ang mga produkto kaya nakumpiska.
Habang para naman kay Provincial Director Maria Sophia Narag, bilang pagprotekta ito sa mga consumer sa lalawigan.