Halos 200 kabayo ang natagpuang patay sa Navajo Land sa Northern Arizona.
Ito’y dahil sa matinding tagtuyot na nararanasan doon ngayon.
Ayon kay Navajo Nation Vice President Jonathan Nez, naghahanap ng tubig ang mga kabayo nang malubog sila sa putikan at hindi na makaalis sa sobrang panghihina.
Ang ilan sa mga ito, nalubog ang buong katawan at ulo na lamang ang nakalabas.
Nagdeklara na ng drought emergency ang Navajo nation nito pang marso.
Aabot sa 6 na milyong katao ang apektado ngayon ng matinding tagtuyot sa Arizona.