Aabot na sa halos 300 katao sa Maynila ang binigyang ayuda ng Philippine Red Cross para sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Philppine Red Cross Secretary General, Gwen Pang, hanggang kaninang alas-10:00 ng umaga umabot na sa 295 paseyente ang kanilang natulungan.
Isang daan at pitumpu’t apat (174) sa bilang na ito, ay nagpakuha ng blood pressure habang ang 110 iba pa ay mga minor case tulad ng pagkahilo, hirap sa paghinga, nasugatan sa paa, problema sa balikat at pagtaas o baba ng blood sugar.
Dagdag pa ni Pang, mayroon na rin silang naitalang na-stroke na mga deboto pero agad naman anyang nadala ang mga ito sa mga ospital.
Para sa traslacion ngayong taon, nagpakalat ang Philippine Red Cross ng 400 mga tauhan, 20 ambulansya, apat na rescue boats at iba pang sasakyan at kagamitan.
By Jonathan Andal | Jill Resontoc (Patrol 7)