Nasa 2,000 raliyista ang sumugod sa kabisera na Tunis, Tunisia upang ipinawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni President Kais Saied.
Inirereklamo ng mga Tunisian ang pwersahang pag-angkin sa kapangyarihan ni Saied matapos nitong patalsikin ang prime miniter, suspendihin ang parliyamento at akuin ang executive authority.
Ayon sa mga raliyista, ang inilunsad na power grab ay maituturing na kudeta pabalik sa diktadurya at labag sa kanilang konstitusyon.
Ito na ang ikalawang protesta laban kay Saied simula nang suspendihin nito ang parliyamento noong Hulyo 25.
Unang nagsimula sa Tunisia ang tinaguriang “Arab Spring” na lumaganap sa North Africa at Middle East noong 2011 matapos patalsikin sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang “rebolusyon” ang kani-kanilang leader na mahigit dalawang dekada ng namumuno. —sa panulat ni Drew Nacino