Patuloy na pinaghahanap ngayon ang daan-daang katao matapos lumubog sa Yangtze River ang barkong may sakay na 458 sa kasagsagan ng masamang panahon sa Hubei Province sa China.
Lunes ng gabi nang lumubog ang barkong eastern star na galing ng Nanjing City.
Lulan ng barko ang halos 50 crew at 406 turista na ang karamiha’y edad 50 hanggang 80, habang tatlong taong gulang naman ang pinakabatang sakay.
Hanggang nitong Martes ng hapon, 14 pa lamang ang naililigtas kabilang isang 65-anyos na babae habang may limang bangkay na ang na-rekober.
Kabilang sa mga nakaligtas ang kapitan at chief engineer na nasa kustodiya na ng pulisya.
Nagpapabagal naman sa search and rescue operations ang masamang panahon.
By Mariboy Ysibido