Mahigit 300 hanggang 400 katao ang pinangangambahang nasawi sa landslide bunsod ng walang tigil na ulan sa Sri Lanka.
Naganap ang landslide sa bayan ng Aranayaka kung saan tatlong komunidad ang nilamon ng lupa.
Ayon sa Sri Lankan Red Cross, tinatayang 350,000 naman ang nagsilikas sa malawakang flashfloods.
Nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar.
Karaniwan ng tinatamaan ng malakas na pag-ulan dala ng southern monsoon ang Sri Lanka tuwing Mayo hanggang Setyembre.
By Drew Nacino
Photo Credit: AFP