Daan-daang libong pisong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga elemento ng Southern Police District (SPD) sa kanilang areas of responsibility (AOR).
Sa Gen. Mascardo St. Brgy. Bangkal, Makati, halos 90,000 pesos na halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska mula sa isang lolo, maliban sa pitaka at 500 pisong buy-bust money.
Samantala, sa Las Piñas City, isang 50 taong gulang na lalaki naman ang nasakote dahil pa rin sa kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na droga kung saan nasabat mula rito ang 24,000 pesos na halaga ng droga.
Nasa 34,000 pesos naman na halaga ng umano’y shabu ang nasamsam mula sa isa pang drug personality sa Montillano Street, Brgy., Alabang, Muntinlupa.
Samantala, tatlong indibidwal naman ang naaktuhang nagdodroga sa Makati City at nasabat mula sa kanila ang higit 200,000 pisong halaga ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.