Daan-daang guro ang apektado ng halos isang buwang bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa mahigit isanlibo apatnaraang (1,400) gurong hindi makalabas ng lungsod, isandaan pitumpu’t lima (175) ang nananatiling “unaccounted” o hindi pa rin nakikita at nakakausap.
Hindi pa anya nila mabatid kung ano na ang sitwasyon ng mga nasabing teacher at hindi pa rin masabi kung nawawala ang mga ito lalo’t nananatiling mahirap ang komunikasyon sa lungsod.