Pumapalo pa sa mahigit 300 South Korean tourist ang patuloy paring stranded sa Boracay Island, sa Aklan.
Sinabi ni Boracay South Korean Community Coordinator Soojin Kim, na wala pa sa bilang na ito ang mga Korean children na nananatili sa isla kasama ng kanilang mga guardian o magulang.
Mayorya aniya sa mga South Korean national na nasa Boracay ang nagnanais nang umuwi sa kanilang bansa dahil sa nagpapatuloy na banta ng mapanganib na COVID-19.
Sa nakalipas na Mayo 1, tinatayang nasa 179 na mga South Koreans na nai-stranded sa Boracay ang nakabalik na sa kanilang bansa sa tulong ng repatriation program ng kanilang pamahalaan.
Inihayag ni Kim na wala pa syang impormasyon kung kelan muli magkakaroon ng repatriation flight pabalik ng South Korea.