Aminado ang Department of Education (DepEd) na posibleng 200 hanggang 400 nagtapos ng Grade 10 ang hindi magpatuloy sa senior high school na bahagi ng K-12 program ng pamahalaan.
Ayon kay Assistant Secretary Jess Mateo, Spokesman ng DepEd, kung titignan ang kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas, tinatayang 50 porsyento ng mga nagtapos ng high school ang hindi nagpapatuloy sa kolehiyo.
Kaya naman maganda na anyang maituturing kung umabot sa 85 porsyento man lang ng 1.5 million grade 10 completers ang makapasok sa senior high school.
Bahagi ng pahayag ni Asec. Jess Mateo
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas