Nasa 300 pamilya o mahigit 1,200 katao na ang apektado ng pagbaha bunsod ng malakas na ulan dulot ng amihan sa ilang bahagi ng Palawan.
Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na karamihan sa mga apektado ay mula sa mga mababang lugar sa mga bayan ng Bataraza at Brooke’s Point.
Sa Bataraza, nasa 230 pamilya o mahigit 1,000 katao ang nananatili sa apat na evacuation centers.
Tinaya sa 60 pamilya o mahigit 220 katao sa coastal area ng Barangay Bancao-Bancao sa Puerto Princesa City ang nagsilikas din dahil sa naglalakihang alon.
Isang bahay naman sa Brooke’s Point ang napinsala habang dalawang iba pa ang nawasak habang 142 ang napinsala sa Bataraza at 28 iba pa ang nasira.