Aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa naganap na sunog sa Batangas kung saan, karamihan sa mga nasunugan ay mga miyembro ng Badjao community.
Ayon sa mga otoridad, mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa mga light materials ang bahay ng mga residente kung saan, nagsimula ang sunog mula sa nag-overload na kuryente ng isang residente.
Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan sa mga eskwelahan sa lugar ang mga biktima ng sunog na humihiling ngayonng pagkain, lumang damit at malinis na tubig na maiinom. —sa panulat ni Angelica Doctolero