Nasa walundaang (800) pamilya ang apektado ng sunog at tinatayang dalawandaan limampung (250) kabahayan ang naabo sa Barangay Catmon, Malabon City, halos tatlong linggo bago ang fire prevention month.
Dakong alas-5:00 ng hapon nang magsimulang kumalat ang apoy sa isang bahay ng isang alyas Junjun sa Hernandez Street.
Makalipas ang tatlong oras ay itinaas ng Bureau of Fire Protection-CAMANAVA ang Task Force Bravo dahilan upang sumugod ang iba pang bumbero mula sa mga karatig lugar.
Bago mag-ala-1:00 kaninang madaling araw nang tuluyang maapula ang apoy.
Tinaya naman ng BFP sa dalawang (2) milyong piso ang halaga ng mga natupok o napinsalang ari-arian habang inaalam na ang sanhi ng sunog.
By Drew Nacino | Report from: Jopel Pelenio (Patrol 17)