Dumaong ang isang cruise ship sa Sydney, Australia matapos na magpositibo sa COVID-19 ang daan-daang pasahero nito.
Ayon kay Carnival Australia President Maguerite Fitzgerald, nangangalahati na sa 12 araw na paglalayag ang majestic princess cruise ship nang mapansin ang outbreak.
Lahat aniya ng mga nagpositibo sa COVID-19 o 800 indibidwal ay symptomatic at asymptomatic.
Naka-isolate na rin ang iba pang pasahero upang hindi mahawaan habang ang mga nag-negatibo sa COVID-19 test ay maaari nang umalis sa barko.
Nabatid na nasa 4 ,600 ang pasahero ng naturang cruise ship, na patungo sana ng Melbourne at Tasmania.