Daan-daang mga Pinoy sa US island ng Saipan ang kabilang sa mga nasiraan o nawalan ng tirahan sa pagbayo doon ng typhoon Soudelor.
Kaugnay nito, idineklara na ang state of emergency sa buong US Commonwealth of the Northern Mariana Island kung saan kabilang ang Saipan dahil sa pinsalang idinulot ng bagyo sa lugar.
Ayon sa ulat, maraming ang nasirang tirahan, tulay, kalsada habang nalubog naman sa baha ang main power plant doon na nagdulot ng oil spill.
Ang typhoon Soudelor ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Saipan sa loob ng dekada dahilan upang lumikas ang daan-daang residente ng isla.
Batay sa datos ng CNMI, tinatayang nasa 10,000 OFW’s at Filipino Americans ang nagtatrabaho at nakatira sa Saipan.
By Ralph Obina