Nakatakas ang daan-daang preso sa isang kulungan sa Central African Republic matapos itong atakihin ng Christian militia na kilalang Anti Balaka.
Ayon sa ulat, nasa mahigit 500 sundalo at militiamen ang nakatakas sa Ngaragba jail habang tinatayang nasa 30 ang nasawi sa naturang karahasan.
Ang Anti Balaka ay kalaban ng Seleka Group na siyang may kontrol sa Central African Republic.
By Ralph Obina