Sa bisa ng utos mula sa Camp Crame, inilipat na sa Caloocan ang tig-iisang daang pulis mula Valenzuela, Malabon at Navotas.
Sa send-off ceremony na ginanap sa Northern Police District kanina, binilinan ni NPD Director Chief Superintendent Amado Empiso, ang mga bagong pulis Caloocan na ibangon mula sa hindi magandang imahe ang nasabing lungsod.
Aniya tularan dapat ng mga ito ang mga matitinong Caloocan police gaya ng nasawing si PO3 Junior Hilario at si PO1 Ronald Anicete na nasaksak sa paglaban sa isang drug suspect.
Kung matatandaan, ipinag-utos ng liderato ng NCRPO na sibakin sa puwesto ang lahat ng pulis sa Caloocan dahil sa kaliwa’t kanang kontrobersyang kinasangkutan ng mga ito.
Sinabi rin ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na huhugot siya ng mga pulis sa Davao, Cotabato at General Santos para tauhan ang Caloocan PNP.
—-