Daan-daang residente na nakatira sa paligid ng Bulkang Taal ang nagsimula nang lumikas kasunod ng pag-alboroto ng bulkan kaninang umaga, Marso 26.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal, mula ito sa mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo; Boso-Boso at Bugaan East sa Laurel at Gulod sa Calatagan.
Anila, batay sa huling tala, nasa 160 pamilya na o katumbas ng 800-900 indibidwal ang dinala sa limang eskwelahan at isang covered court sa Agoncillo.
Nasa 81 pamilya o 222 indibidwal naman ang nailikas mula sa bayan ng Laurel.
Ang mga nabanggit na barangay ay nasa loob ng seven-kilometer danger zone mula sa bunganga ng bulkan.