INULAN ng ayuda mula kay Sen. Christopher “Bong” Go ang daan-daang mga benepisyaryo sa Tabuk City, Kalinga bilang bahagi ng kanyang pangako na susuportahan ang mga nasa vulnerable sector sa gitna ng national health crisis.
“Para naman sa amin ni Pangulong Rodrigo Duterte, basta kapakanan ng mga mahihirap, lalo na ‘yung mga walang matakbuhan, ipaglalaban namin ‘yan hanggang sa huli,” wika ni Go.
Namahagi ang staff ni Go ng meals, masks at vitamins sa 334 benepisyaryo sa Women’s Center sa Tabuk.
Maliban dito, namigay din ang senador sa ilang residente ng bisikleta, bagong sapatos at computer tablets upang makatulong sa kanilang mga anak sa blended learning.
Sa hiwalay na pamamahagi, nag-abot ang Department of Social Welfare and Development ng mga kinakailangang livelihood assistance grants sa pamamagitan ng kanilang Sustainable Livelihood Program.
Kasabay nito, hinimok ni Go, chairman ng Senate Committee on Health and Demography, ang publiko na ipagpatuloy ang pagtalima sa health preventive measures kahit pababa na ang mga kaso ng COVID-19.
Hinikayat din nito ang mga benepisyaryo na magpabakuna laban sa coronavirus upang makabalik na sa normal ang bansa.
Nanawagan din si Go sa mga mayroong health concerns at iba pang medical conditions na humingi ng tulong sa pamahalaan sa pamamagitan ng alinmang 148 Malasakit Centers sa buong bansa.
“Kung mayroon ho kayong mga pasyente sa (Philippine) Heart Center, sa NKTI, sa Maynila, magsabi lang po kayo. Nandirito lang po kami ni Pangulong Duterte na handang tumulong po sa inyo. Mga kababayan ko, magtulungan lang tayo, magbayanihan po tayo, magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino,” pag-aalok ni Go.
Bilang Vice Chair ng Senate Committee on Finance, target ni Go na palakasin ang ekonomiya sa probinsya sa gitna ng pandemya.
Suportado nito ang ilang proyekto, gaya ng pagpapaganda ng kalsada sa Balbalan at Pinukpuk; pagtatayo ng farm-to-market roads sa Balbalan, Tinglayan at Tanudan; pagbili ng ambulance unit para sa Rizal; at paglalagay ng streetlights sa Tinglayan at Rizal.
Pinuri ng senador ang local government officials sa pangunguna ni Representative Sonny Mangaoang, Governor Ferdinand Tubban, Mayor Darwin Estrañero, at Vice Mayor Bernard Glenn Dao-as sa kanilang serbisyo at suporta sa kanilang constituents.