Kasalukuyan nang sineserbisyuhan ng Maynilad water services ang daan daang residente ng Lim Compound sa Brgy. San Dionisio sa Parañaque City.
Ito’y dahil sa napaagang water interruption sa lugar bunsod ng pumutok na tubo ng Maynilad sa bahagi ng Quirino Avenue, tapat lang ng grahe ng isang Bus company.
Batay kasi sa abiso ng Maynilad, 12 pa ngayong tanghali pa sana nakatakda ang scheduled water interruption dahil sa aayusing linya sa Caloocan.
Subalit ayon sa mga residente, ala-6 pa lamang kagabi ay naputol na ang suplay ng tubig sa lugar dahil sa pagputok ng linya bunsod ng nagpapatuloy na drainage work ng DPWH.
Agad namang nagpadala ng kanilang water tanker ang Maynilad upang maserbisyuhan ang mga residente na apektado ng kawalan ng suplay ng tubig.
Gayunman, sinabi ng Maynilad na isinasaayos na ang nasirang tubo at inaasahang matatapos iyon dakong alas -2 mamayang hapon. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)