Sinalubong ng daan daang Yolanda survivors ang Bagong Taon sa mga evacuation centers matapos masunog ang kanilang bahay sa Barangay 56 Pericuhon sa Tacloban city
Ayon sa report ng BFP o Bureau of Fire Protection, 50 kabahayan ang natupok ng apoy na hinihinalang nagmula sa nasindihang paputok.
Naging emosyonal naman ang ilan sa mga biktima dahil hindi pa sila lubusang nakakarekober mula sa sinapit dahil sa super bagyong Yolanda.
By: Judith Larino