Halos 900 special permits ang inaprubahan ng Land Transportation and Franchise Regulatory Board (LTFRB) para maka biyahe ngayong undas.
Kasunod na rin ito nang inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan sa paggunita ng araw ng mga patay sa susunod na linggo.
Ayon kay LTFRB Technical Division Head Joel Bolano, inaprubahan nila ang application for special permits ng mga kumpanya ng bus na walang nakabinbing kaso, mga bus na hindi aabot sa 10 taon na pataas at mayruong updated insurance coverage.
Sa mga terminal ng bus sa Pasay, Maynila, at Quezon City, fully booked na ang mga biyahe patungong lalawigan para sa Oktubre 30, Miyerkules at Oktubre 31, Huwebes.
Samantalang inaasahan ang mas malaking bilang ng mga bibiyaheng pasahero sa Nobyembre 1, Biyernes.
Sa Nobyembre 2, Sabado, at Nobyembre 3, Linggo, inaasahang dadagsa naman ang mga pasahero pabalik ng Metro Manila.