Nahulog ang daan-daang steel plate na karga ng isang truck sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Balintawak, Quezon City.
Ayon sa driver ng truck, galing silang Bulacan at magde-deliver sana ng mga bakal sa quezon city kaninang alas tres ng madaling araw nang mahulog ang mga karga nilang steel plate.
Paliwanag pa nito na bumigay ang kalang sa gilid ng 10 wheeler truck na naging dahilan para malaglag ang 100 pirasong steel plate.
Agad namang natanggal ang mga nalaglag na steel plate sa naturang lugar.