Dinagsa din ng daan-daang mga street sweeper ang Quirino Grandstand at paligid ng Quiapo Church maging ang mga rutang dinaanan ng traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila.
Ito ay upang mangolekta ng sangkatutak na basurang iniwan ng libo-libong deboto.
Kabilang sa mga tinutukan ng mga street sweeper ang Jones Bridge, Quezon Bridge at ilang bahagi ng Quiapo gaya sa Arlegui Street katuwang ang mga miyembro ng environmental activist group na Ecowaste Coalition.
Samantala, ilang mamamasan at deboto naman ang nagpahinga at nakaidlip sa loob ng San Sebastian Church sa Plaza Del Carmen sa gitna ng kanilang paghihintay para sa tradisyunal na ‘dungaw’ o pagtatagpo ng imahen ng itim na Nazareno at Our Lady of Mount Carmel.