Tutukan ng PNP Highway Patrol Group ang daloy ng trapiko sa mga daan sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Ayon kay PNP HPG Director Chief Supt. Antonio Gardiola, matindi ang problema ng traffic sa mga daan patungo ng NAIA lalo na ngayong kapaskuhan.
Kadalasan aniyang umaabot ng hanggang 3 oras ang trapik sa lugar dahil sa dami ng mga pasahero na patungo ng paliparan.
Dagdag pa ni Gardiola, tututukan din nila ng husto ang Commonwealth Avenue, C5 Road at ang NAIA Expressway para mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan lalo na ngayong holiday season.
By: Mean Tanbio