Isasailalim na sa state of calamity ang Daanbantayan sa Cebu.
Ito’y batay sa rekomendasyon ng Local Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos magiwan ng matinding pinsala sa lugar ang bagyong Ursula.
Ayon kay Daanbantayan Vice Mayor Gilbert Arrabis, batay sa kanilang isinagawang paunang assessment sa naging pinsala ng bagyo kailangan nang magdeklara ng state of calamity.
Marami aniyang nabuwal na puno, nasirang kabahayan maging ang municipal cultural center, wharf at waiting sheds ay di nakaligtas sa hagupit ng bagyo.
Sa oras na maideklara na, magagamit ng lokal na pamahalaan ang 30 porysento ng P10-milyong disaster fund.