Inilagay na sa state of calamity ang Daanbantayan, Cebu dahil sa matinding pinsala dulot ng bagyong Ursula.
Ito ay matapos na maipasa sa naturang resolusyon sa municipal council sa pamamagitan ng special session na magbibigay pahintulot sa lokal na pamahalaan na magamit ang calamity fund nito.
Ayon kay Daanbantayan Mayor Sun Shimura, nasa 19,000 pamilya ang inilikas dahil sa malakas na ulan at hangin dulot ng bagyo noong bisperas ng pasko.
Karamihan sa mga ito ay mga residente ng Carnaza at Malapascua.
Binigyaang diin ni Shimura, kailangang kailangan ng pagkain at malinis na tubig ng mga evacuees gayundin ang mga construction materials para sa muling pagsasaayos ng mga nasirang tahanan.