Bibili ang Philippine National Police o PNP ng 175,000 body cameras para ipasuot sa mga pulis sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Dionardo Carlos ito ay sa oras na maaprubahan ang hinihingi nilang dagdag na budget para ipambili ng mga body cam.
Aniya, magiging bahagi ito ng standard equipment ng mga pulis at magsisilbi itong ebidensya at “neutral eyewitness” sakaling makagawa ang mga ito ng anumang paglabag.
Matatandaang inihain ni Muntinlupa Representative Rodolfo Biazon ang bodycam bill sa Kamara kasunod ng nangyaring pagpatay sa 17-anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
AR / DWIZ 882