Pumalo na sa 757,841,175 ang naitalang pinsala sa imprastraktura ng bagyong Paeng sa region 5,6, 7 at 10.
Habang hindi pa kasama sa ngayon ang halaga ng pinsalang naidulot sa imprastraktura ng naturang bagyo sa Mimaropa at Region 11.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 37 ang kabuuang bilang ng mga imprastrakturang nasira ng bagyo.
Kung saan 19 dito ay mula sa region 6, siyam ay mula sa region 7, apat ay mula sa region 10, kapwa dalawa sa Mimaropa at region 5 at isa sa region 11.
Pinakamalaki namang halaga ng pinsalang naitala sa ngayon ay mula sa region 5 na umabot sa 357,179,900.
Sinundan ng mga imprastraktura sa region 7 na napinsala ng aabot sa 272-million pesos, region 10 na may 110-million pesos at mga imprastraktura sa region 6 na napinsala ng aabot sa 661,675 pesos. —mula sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)