Muling pinahanga ni Dabarkads Paolo Ballesteros ang publiko sa kanyang panibagong makeup transformation.
Talagang mapapa-wow ka sa ipinost na Emma Watson makeup transformation ni Paolo sa kanyang Instagram account.
Bukod sa gayang-gaya niya ang hairstyle ni Emma, kopyang-kopya niya rin ang freckles nito na hindi mo aakalaing si Paolo pala iyon.
Ano pa ba ang hindi kayang gawin ni Paolo?
Matatandaang noong Hunyo lamang, isa sa mga napa-wow ni Ballesteros ay si Wonder Woman Gal Gadot kung saan ni-repost pa nito ang nakakahangang makeup transformation ni Paolo.