Hindi pa “case closed” ang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ito, ayon sa Palasyo, ay dahil gumugulong pa ang imbestigasyon hinggil dito at mayroon pang ebidensyang hinihingi ang piskal.
Dapat aniya na hintayin muna ang pinal na resulta ng imbestigasyon ng mga awtoridad, lalo’t nakiisa na rin ang National Bureau of Investigation sa pagsisiyasat sa naturang kaso.
Dagdag pa ni Roque na tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang katarungan para sa Pamilya Dacera.
Samantala, magugunita namang una nang idineklara ng Philippine National Police (PNP) na “solved” na ang naturang kaso makaraang maaresto ang 3 lamang sa 11 na suspek sa pagkamatay ni Dacera.