Humirit ang ilang negosyante ng dagdag-presyo sa ilang produkto ng noche buena sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa papalapit na kapaskuhan.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, inihirit ng mga negosyante na taasan ang presyo ng ilang ham, tomato sauce at iba pa na inihahanda tuwing pasko.
Nilinaw naman ni Castelo na masusi pang pinag-aaralan ng dti ang naturang hirit dahil kailangan balensahin ang interes ng mamimili at negosyante, bagaman ang presyo ng noche buena ay hindi nagtaas noong 2019 at 2020. —sa panulat ni Airiam Sancho