Idineklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang bahagi ng Manila Bay na ligtas nang paliguan.
Ito ay ang Aguawan Beach sa Barangay Sisiman sa Mariveles Bataan na sakop ng Manila Bay.
Binuksan ito sa publiko para mapaliguan matapos na bumaba na sa halos 10 MPN o most probable number ang naitalang lebel ng fecal coliform o bacteria na nakukuha sa dumi ng tao at hayop.
Ayon sa DENR, 100 MPN pababa ang normal o katanggap-tanggap na lebel ng coliform sa tubig.
Kasabay nito, pinapurihan ng DENR ang pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Mariveles para malinis ang karagatan sa Barangay Sisiman.
—-