Tumungtong na sa 450 ang bilang ng COVID-19 delta variant cases sa bansa.
Ito’y makaraang kumpirmahin ng DOH ang karagdagang 119 na kaso ng delta ang kanilang naitala kahapon.
93 sa mga ito ay local cases habang 20 ang returning overseas Filipino.
20% o 18 sa mga local cases ay mula sa Metro Manila, 14 sa Calabarzon, 18 sa Central Luzon habang pinakamarami sa Western Visayas na 31.
Sa kabila nito, nakarekober na ang 118 cases habang bineberipika pa ang status ng isa pang pasyente.—sa panulat ni Drew Nacino