Inihayag ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na malabong maisakatuparan ngayong taon ang dagdag na 1K pesos na monthly social pension sa mga indigent senior citizens.
Nilinaw ni NCSC chairman Atty. Franklin Quijano na dahil sa kawalan ng pondo ay bagama’t batas na ang panukala, magiging epektibo lamang ang implementasyon nito sa 2023.
Mababatid na tinatayang nasa 4.1 million na senior citizens sa buong bansa ang makikinabang sa dagdag na benepisyo.
Samantala, tiniyak naman ng NCSC na agad nilang tutukan ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) upang mas mabilis na maipatupad ang naturang batas.