Karagdagang 3-M doses ng Coronavac vaccines na binili ng pamahalaan sa Chinese-Firm na Sinovac ang dumating sa bansa.
Pasado ala-6 kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 2, Pasay City ang PAL flight PR 359 na may lulang mga bakuna.
Ayon kay Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez, Jr., ipadadala ang mga nasabing bakuna sa mga lalawigan.
Dahil dito, umakyat na sa 51.9-M doses ang kabuuang bilang ng mga bakunang naihatid sa bansa simula noong Marso.
Mahigit sa kalahati ng vaccine supply sa Pilipinas ay nagmula sa China. —sa panulat ni Drew Nacino