Humirit ng dagdag allowance si Senador Francis Pangilinan para sa mga guro ngayong taon dala ng hirap na kinahaharap ng mga ito sa distance learning.
Ani Pangilinan, ang chalk allowance na P3,500 kada taon ay maaring magamit pambayad sa internet connection at pag-iimprinta ng mga modules.
Dagdag pa ng senador, sariling pera ng mga guro ang ginagamit nito pambili ng printers at sa paggawa ng modules para lamang muling makapagturo at makakonekta sa mga estudyante.
Dapat aniya mabigyan ng gobyerno ng buong suporta ang mga guro gayong 24.5 milyong mag-aaral ang sasabak sa bagong sistema ng edukasyon dulot ng COVID-19 ngayong Oktubre 5 kasabay ng pagdiriwang ng World Teacher’s Day.— sa panulat ni Agustina Nolasco