Walang magiging dagdag sa allowance ng mga guro sa kanilang magiging serbisyo sa darating na 2016 elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista, bagama’t pabor siya na mabigyan ng umento ang mga guro ay wala naman aniya silang magagawa dahil nanatili lamang sa P4,500 pesos ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang naturang halaga ay siya ring halagang tinanggap ng mga gurong nagsilbing board of election inspector noong 2013.
Una nang isinulong ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza na gawing P8,000 ang makukuhang allowance ng mga gurong magsisilbi sa eleksyon.
By Rianne Briones