Asahan na ang dagdag bawas sa presyo ng oil products simula ngayong araw na ito.
Epektibo alas-12:01 ng hatinggabi, itinaas ng Flying V ang presyo ng diesel nito sa diyes sentimos (P0.10) kada litro samantalang kinse sentimos (P0.15) naman ang tinapyas sa presyo ng kada litro ng kerosene.
Nabatid na alas-6:00 ngayong umaga epektibo ang kaparehong dagdag presyo sa diesel at bawas presyo sa kerosene ng Petron Corporation, PTT Philippines Corporation, Seaoil Philippines Incorporated, Eastern Petroleum Corporation, Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Unioil Petroleum Philippines Incorporated.
Wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy, naglalaro na sa P27.85 hanggang P33.60 ang presyo ng kada litro ng diesel at P39.50 hanggang P48.60 ang kada presyo ng kerosene.
By Judith Larino