Asahan na ang dagdag-bawas ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, na mataas ang indikasyon ng pagtaas ng presyo ng gasolina at kerosene.
Maaaring bahagyang rollback naman o walang pagbabago sa presyo ng diesel.
Samantala, sinabi ng Oil Industry na ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaring mabawasan ng 30 centavos hanggang 10 centavos, habang ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng 70 centavos hanggang 90 centavos kada litro.
Maari pang magbago ang presyo depende sa magiging resulta ng kalakalan. —sa panulat ni Jenn Patrolla