Aarangkada na ngayong araw ang dagdag-bawas sa presyo ng mga kumpaniya ng langis sa bansa.
Ayon sa Pilipinas Shell, Cleanfuel at Petro Gazz, epektibo na kaninang alas-6 ng umaga ang singil sa produktong petrolyo kung saan, maglalaro sa P3.95 centavos ang taas singil sa kada litro ng gasolina.
Magtatapyas naman ng P2.45 centavos sa kada litro ng kerosene habang P2.30 centavos naman ang magiging bawas-singil sa kada litro ng diesel.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang adjustments o pabago-bagong presyo ng langis sa bansa ay bunsod pa rin ng paggalaw sa pandaigdigang merkado at bakbakan sa pagitan ng Russia at Ukraine.