Magpapatupad ng dagdag – bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes, Hunyo 7.
Batay sa monitoring ng Department of Energy (DOE), posibleng maglaro sa P0.10 hanggang P0.20 ang itaas sa presyo ng kada litro ng gasoline.
Kinse (P0.15) hanggang P0.25 naman ang nakikitang pagtaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang posibleng P0.10 ang itaas naman sa presyo ng kerosene o di kaya’y hindi na magpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis.
By Jaymark Dagala