May nakaambang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis ngayong papasok na linggo.
Batay sa pagtaya, maglalaro sa 30 hanggang 40 sentimos ang posibleng itaas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang posible namang bumaba ng 10 sentimos o hindi na gumalaw pa ang presyo naman sa kada litro ng diesel at kerosene.
Ang panibagong price adjustment sa mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng malikot na presyuhan ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.