Muli na namang magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong linggo.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa 10 hanggang 20 sentimos ang dagdag presyo sa kada litro ng gasolina.
10 hanggang 20 sentimos naman ang posibleng bawas sa presyo ng kada litro ng diesel at 15 hanggang 20 sentimos naman ang posibleng tapyas sa kada litro ng kerosene.
Pero ayon sa Department of Energy (DOE), posibleng magbago pa ang nasabing projected adjustment rate ang mga kumpaniya ng langis depende sa magiging kalakalan bukas.