May panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng linggong ito.
Ayon sa source ng DWIZ sa industriya ng langis, maglalaro sa beinte hanggang trenta sentimos ang posibleng itapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.
Habang posibleng tumaas naman ng P.15 hanggang P.25 ang presyo sa kada litro ng diesel.
Samantala nasa P.30 hanggang P.50 naman ang posibleng itaas sa presyo sa kada litro ng kerosene.