Kasado na bukas ang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng Pilipinas Shell Petroleum Corp., magkakaroon ng dagdag na P0.95 sa kada litro ng gasolina at P0.50 naman ang umento sa kada litro ng kerosene.
Magpapatupad naman ito ng P0.20 na rollback sa kada litro ng diesel.
Epektibo ito simula ala-6:00 ng umaga bukas, Disyembre 17.
Batay sa datos ng Department of Energy hanggang nitong December 20, 2022, ang year-to-date total adjustments ay may net increase na P13.95 sa kada litro ng gasolina; P27.50 sa kada litro ng diesel; at P20.80 naman sa kada litro ng kerosene.