Nag-anunsyo na ang ilang kumpaniya ng langis ng kanilang oil price ajustment bukas, Agosto 18.
Epektibo alas-12:01 mamayang hatinggabi, ipatutupad ng mga kumpaniyang Seaoil at Shell ang P0.35 na pagtataas sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel.
Beinte sentimos (P0.20) naman ang itataas ng dalawang kumpaniya sa presyo ng kada litro ng kanilang kerosene.
Samantala, P0.25 naman ang itatapyas ng mga nasabing kumpaniya sa presyo ng kada litro ng gasoline.
Sa pagkakataong ito, paghina ng halaga ng piso kontra dolyar ang siyang itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng price adjustment sa mga produktong petrolyo.
Inaasahang susunod nang mag-anunsyo ang iba pang kumpaniya ng langis.
By Jaymark Dagala