Nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Nagtaas ng P1.05 ang mga oil players sa presyo ng kada litro ng kerosene habang P0.95 naman ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Habang P0.70 naman ang ini-rollback ng mga kumpanya ng langis sa presyo ng kada litro ng gasoline.
Epektibo alas-12:01 kaninang hatinggabi, nagpatupad ng price adjustment ang mga kumpanyang Caltex, Flying V at Unioil.
Sumunod naman dito ang mga kumpanyang Shell, Seaoil, PTT at Petron ala-6:00 ngayong umaga.
Habang ala-6:00 kagabi pa inilarga ng kumpanyang Eastern petroleum ang kaparehong oil price adjustment para sa kanilang gasolina at diesel.
Batay sa pinakahuling tala ng Department of Energy, naglalaro na ngayon sa P32 hanggang P44 ang presyo sa kada litro ng gasoline.
Habang naglalaro naman sa P18 hanggang P21 naman kada litro ang presyo ng diesel.
By Jaymark Dagala