Aarangkada na bukas ang panibagong dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa taya ng kumpanyang unioil, tataas ng 0.10¢ – 0.40 ¢ ang presyo sa kada litro ng diesel, habang bababa sa 0.10¢ – 0.20 ¢ ang kada litro ng gasolina.
Ayon naman sa ibang mga industry player, maaaring umakyat hanggang 0.10¢ ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Paliwanag ng Department of Energy, hindi natiyak ang rollback bukas dahil sa iba’t-ibang rason na nakakaapekto sa trading ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Dagdag naman ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, may kaugnayan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pag-akyat ng demand ng langis sa Estados Unidos at India, pagbaba ng inbentaryo ng krudo ng united states, at pag-atake ng Ukrainian forces sa 4 na malalaking refineries ng Russia. – sa panunulat ni Charles Laureta